Mga Tauhan At Mga Ginawa Sa Noli Me Tangere Kabanata 7

Mga tauhan at mga ginawa sa noli me tangere kabanata 7

Noli Me Tangere

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

Mga Tauhan:

Maria Clara - ang bidang karakter na babae sa kabanatang ito na naggayak ng maaga at naging balisa sa pagdating ng kanyang kasintahan sa kanilang tahanan. Puno ng pananabik siyang nakipagkwentuhan kay Ibarra sa asotea at nagbalik tanaw sa kanilang pagkabata.

Tiya Isabel - ang mabait at maalagaing tiyahin ni Maria Clara. Siya ang kasa kasama ng dalaga sa lahat ng bagay maging sa pagsisimba at paggagayak ng kanilang tahanan para sa pagdalaw ni Crisostomo Ibarra. Iminungkahi din niya na sa San Diego na lamang gawin ang bakasyon ni Maria Clara sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Kapitan Tiyago - ang may ari ng bahay at ang kinilalang ama ni Maria Clara.  Nanag araw na iyon ay sinariwa niya ang kanilang naging kasunduan ng ama ni Crisostomo na si Don Rafael. Napagkasunduan kasi nila na ipapakasal ang kanilang mga anak kapag sila ay nasa hustong gulang na. Binilinan niya si Maria Clara na sa pagkuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa beateryo.  

Crisostomo Ibarra - ang kasintahan ni Maria Clara na dadalaw sa tahanan ng mga delos Santos matapos ang pag aaral sa Europa. Makahulugan ang mga tingin niya kay Maria Clara napuno ng pananabik at pagmamahal. Sinariwa niya ang kanyang pangako sa labi ng ina na hindi kailanman paiiyakin ang kasintahang si Maria Clara.

Read more on

brainly.ph/question/2148160

brainly.ph/question/2138985

brainly.ph/question/299985


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Ano Ang Mga Matalinghagang Salita?

Buod Ng Kabanata 32 Noli Me Tangere