Ano-Ano Ang Mga Matalinghagang Salita?
Ano-ano ang mga matalinghagang salita?
Matalinghagang Salita:
Ang matalinghagang salita ay isang uri ng panitikang Pilipino na may malalim na kahulugan o halos walang tiyak na nais ipahiwatig bukod sa denonatibong kahulugan nito. Ito ay maaaring gamitin bilang bahagi ng isang kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili, at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita. Kadalasan, ang mga manunulat ay gumagamit ng mga matalinghagang salita upang ipabatid ang kanilang malalim na pagkatao at ang kanilang pagiging artistiko. Ang pagsusulat sa patalinhagang pamamaraan ay isang istilo para mahikayat ng may akda ang kanyang mga mambabasa.
Mahirap unawain at intindihin ang isinasaad ng mga matalinhagang salita ngunit sa ito ay nagbibigay ng interes at misteryo upang mas unawain pa at pilit na alamin ang ibig ipahiwatig ng mga may akda.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga matalinghagang salita :
kautotang dila – kakwentuhan
krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
itim na tupa – suwail na anak o kapatid
balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin
ng isang taong galit
tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit
na puhunan
matimtimang birhen – mahinhin at pino kung kumilos
lintik lang ang walang ganti – kailan man ay hindi mo
magagantihan ang kidlat na
siyang tinutukoy sa salitang
lintik.
hampas sa amo ang latay ay sa kalabaw – ang kasiraan ng nasa taas ay
mas masarap kesa sa mga
nasa ibaba
balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
halik ni Judas – traydor
Read more on
Comments
Post a Comment