Buod Ng Kabanata 32 Noli Me Tangere

Buod ng kabanata 32 noli me tangere  

Noli Me Tangere  

Kabanata 32: Ang Panghugos

Buod:  

         Iminuwestra ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano gamitin ang kalo na gagamitin sa paglalagay ng mga biga para sa ipatatayong paaralan ni Ibarra. Inusisa na mabuti ni Nol Juan ang kalo at pagkatapos ay nagpasiya na sumang ayon sa taong madilaw na ito ang gamitin sapagkat sinabi nito na ang makinang iyon itinuro ng ninuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Matapos ang misa na isinagawa ni Padre Salvi, nagsimula na ang paghuhugos. Ang lahat ng kailangan ay naigayak na maging ang mga mahalagang kasulatan at medalya, salaping pilak at relikya ay inilagay na sa isang kahang bakal at ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga.  

        Matapos ang mensahe ng alkalde ay nagbigay na ng hudyat sa paglalagay ng mga biga. Nang makababa na ang lahat, biglang kumawala sa pagkakatali ang lubid at biglang bumagsak ang biga. Ang akala ng lahat ay si Ibarra ang nabagsakan ng biga ngunit laking gulat nila ng ang mabaon sa hukay ay ang taong madilaw na siyang nagmamaniobra ng makina. Nais na ipadakip ng alkalde si Nol Juan bunga ng naganap na sakuna sapagkat siya ang namamahala ng naturang proyekto. Sinalungat naman ito ni Ibarra sapagkat walang kasiguraduhan na siya ay may kinalaman dito. Nagpasyang umuwi si Ibarra at agad na kinumusta si Maria Clara matapos na ang dalaga ang himatayin sa nangyari sa paghuhugos.

Read more on

brainly.ph/question/2164698

brainly.ph/question/2137314

brainly.ph/question/526936


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Ano Ang Mga Matalinghagang Salita?

Mga Tauhan At Mga Ginawa Sa Noli Me Tangere Kabanata 7