Kung Magtatayo Ka Ng Iyong Sariling Organisayon Na Makakatulong Sa Pilipinas. Ano Ito At Bakit?

Kung magtatayo ka ng iyong sariling organisayon na makakatulong sa pilipinas. ano ito at bakit?

Kung magtatayo ako ng sariling non-profit na organisasyon ay ito ay nakatuon sa pangkalusugan ng tao tulad ng Red Cross na organisasyon. Mahalaga ang mapanatili ang magandang kalusugan ng tao kaya ito ang napili kong itayong organisasyon upang matulungan ang mga taong nangangailangan ng serbiyong medikal kahit sila ay kapos sa pera. Sa panahon ngayon ay marami ng sakit ang lumalaganap sa ating bansa, tumataas na ang kaso ng HIV/AIDS, TB, Malaria, Dengue, Tigdas at iba pa, layon ng itatayo kong organisasyon ang hindi lamang magbigay ng lunas kundi magpalawak o magbahagi ng kaalaman sa kung papaano ito maiiwasan o masusulusyunan. Sa pamamagitan nito ay makakatulong ako sa bansa.


Comments

Popular posts from this blog

Sampung Halimbawa Ng Pangngalan