Naitulong Ng Apec Sa Pilipinas
Naitulong ng APEC sa pilipinas
Ang APEC, o ang Asia Pacific Economic Cooperation, ay itinatag noong 1989 ng 12 ekonomiya kabilang ang Pilipinas at naging isang forum kung saan tinalakay ang trade, investment at economic cooperation issues. Mula nang itatag ang APEC, mayroon na ito ngayong 21 member-economies. Ang pangunahing layunin nito ay upang itaguyod ang napapanatiling paglago ng ekonomiya at kasaganaan sa rehiyong Asya-Pasipiko. Bawat taon, isa sa 21 ekonomiyang miyembro ng APEC ang nagsisilbi bilang forum host. Mahalaga ang apec o Asia-Pacific Economic Cooperation sa Pilipinas dahil sa ilang kadahilanan. Ito ay kumakatawan sa 64 porsiyento ng mga dayuhang direktang pamumuhunan, 84 porsiyento ng mga export, at 63 porsiyento ng mga overseas Filipino workers.
Comments
Post a Comment