Panonood Ng Kaibigan Ko Ng Pornograpiya
Panonood ng kaibigan ko ng pornograpiya
Ang PANONOOD ng kaibigan mo ng PORNOGRAPIYA ay isang bagay na nakasasama sa isip ng isa na gumagawa nito. Ito ay nagiiwan ng mahahalay na gawain at larawan sa isip na magpapasidhi ng pagnanasa niya na makipagtalik sa murang edad. Iniiwasan ang panonood nito dahil pwede rin itong magpasidhi ng pagnanasa sa isang tao na magugustuhan niya at ang sobrang pagiisip dito ay magbubunga ng malalaswang pagkilos na hahantong sa paggawa ng kasalanan.
Gusto ba ng Diyos o pinapayagan niya ba ang ganitong uri ng mga panoorin kahit ang isa ay hindi na kabataan o may-asawa na? Marami ang nagsasabi ng "Oo" pero ano kaya ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito. Tingnan natin.
SANTIAGO 1:14,15 -"Kundi ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan."
Oo, ayaw ng Diyos ma magtanim tayo ng pagnanasa sa ating isip at puso dahil talagang magbubunga ito ng masamang paggawi at kasalanan.
COLOSA 3:5 -"Kaya patayin ninyo ang mga bahagi ng inyong katawan na umaakay sa seksuwal na imoralidad, karumihan, di-makontrol na seksuwal na pagnanasa, nakasasakit na pagnanasa, at kasakiman, na isang uri ng idolatriya."
Oo, pinaaalis o pinapapatay ng Diyos sa atin ang mga kahinaan natin na aakay sa paggawa ng hindi makontrol na pagnanasa, at mauumpisahan natin ito kung hindi tayo manonood ng pornograpiya. Kaya bakit hindi payuhan ang iyong kaibigan at huwag siyang tularan.
Comments
Post a Comment