Simbolismo Ng Kabanata 24 Ng El Filibusterismo

Simbolismo ng kabanata 24 ng el filibusterismo

El Filibusterismo

Kabanata 24: Mga Pangarap

Simbolismo:

            Sa kabanatang ito ay makikita ang pag uusap ng magkasintahang sina Isagani at Paulita Gomez. Ang pag uusap na ito ay sumisimbolo sa kanilang pag aayos matapos ang nagdaang gabi na sila ay kapwa nagselos sa isat isa. Gayun din, ang pag uusap na ito ay maaari ring mangahulugan ng kanilang pagtatapos ng ugnayan sa isat isa. Sapagkat napagtanto ni Paulita na sila ay magkaiba ng mga pangarap ni Isagani. Ang pagkakaiba ng kanilang mga pangarap ay maaaring maging sanhi ng kanilang paghihiwalay ng landas. Sa isang magkarelasyon, mahalaga ang pagkakasundo at pagkakaisa sa lahat ng bagay. Ang simpleng pagtatalo at pagkakaiba ng gusto ay kadalasang nauuwi sa hiwalayan. Hindi nakapagtataka na si Paulita ay nagkaroon ng pagbabago ng isip ukol sa pagpapakasal kay Isagani at nagpasya siya na piliin si Juanito Pelaez na maging kabiyak.

          Sinisimbolo din sa kabanatang ito ang pagtiyak ng mga kababaihan sa kanilang seguridad pagdating sa pagpapakasal. Batid ni Paulita na si Isagani ay walang yaman na makapagpapagaan ng buhay niya. Batid niya na ang binatang ito ay maprinsipyo lamang ngunit kulang sa pagkilos. Samantalang si Juanito Pelaez na kasama niya ng nagdaang gabi ay nagmula sa mayamang angkan at kahit hindi siya magtrabaho ay kaya siyang buhayin nito. Ang paniniyak sa kinabukasan ng babae ay isa sa mga mahalagang bagay na binibigyang konsiderasyon sa pagpapakasal. Mula pa noong panahon ni Rizal, ang mga magulang ang siyang pumipili ng mapapangasawa ng anak upang masiguro ang kinabukasan nito. Hindi kailanman naging usapin ang pag ibig sapagkat ang kinabukasan ang siyang nais ng mga magulang na masiguro.

Read more on

brainly.ph/question/2130045

brainly.ph/question/2099861

brainly.ph/question/2149544


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Ano Ang Mga Matalinghagang Salita?

Buod Ng Kabanata 32 Noli Me Tangere