Ano-ano ang mga matalinghagang salita? Matalinghagang Salita: Ang matalinghagang salita ay isang uri ng panitikang Pilipino na may malalim na kahulugan o halos walang tiyak na nais ipahiwatig bukod sa denonatibong kahulugan nito. Ito ay maaaring gamitin bilang bahagi ng isang kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili, at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita. Kadalasan, ang mga manunulat ay gumagamit ng mga matalinghagang salita upang ipabatid ang kanilang malalim na pagkatao at ang kanilang pagiging artistiko. Ang pagsusulat sa patalinhagang pamamaraan ay isang istilo para mahikayat ng may akda ang kanyang mga mambabasa. Mahirap unawain at intindihin ang isinasaad ng mga matalinhagang salita ngunit sa ito ay nagbibigay ng interes at misteryo upang mas unawain pa at pilit na alamin ang ibig ipahiwatig ng mga may akda. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga matalinghagang salita : kautotang dila ...
Mga tauhan at mga ginawa sa noli me tangere kabanata 7 Noli Me Tangere Kabanata 7: Suyuan sa Asotea Mga Tauhan: Maria Clara - ang bidang karakter na babae sa kabanatang ito na naggayak ng maaga at naging balisa sa pagdating ng kanyang kasintahan sa kanilang tahanan. Puno ng pananabik siyang nakipagkwentuhan kay Ibarra sa asotea at nagbalik tanaw sa kanilang pagkabata. Tiya Isabel - ang mabait at maalagaing tiyahin ni Maria Clara. Siya ang kasa kasama ng dalaga sa lahat ng bagay maging sa pagsisimba at paggagayak ng kanilang tahanan para sa pagdalaw ni Crisostomo Ibarra. Iminungkahi din niya na sa San Diego na lamang gawin ang bakasyon ni Maria Clara sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Kapitan Tiyago - ang may ari ng bahay at ang kinilalang ama ni Maria Clara. Nanag araw na iyon ay sinariwa niya ang kanilang naging kasunduan ng ama ni Crisostomo na si Don Rafael. Napagkasunduan kasi nila na ipapakasal ang kanilang mga anak kapag sila a...
Buod ng kabanata 32 noli me tangere Noli Me Tangere Kabanata 32: Ang Panghugos Buod: Iminuwestra ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano gamitin ang kalo na gagamitin sa paglalagay ng mga biga para sa ipatatayong paaralan ni Ibarra. Inusisa na mabuti ni Nol Juan ang kalo at pagkatapos ay nagpasiya na sumang ayon sa taong madilaw na ito ang gamitin sapagkat sinabi nito na ang makinang iyon itinuro ng ninuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Matapos ang misa na isinagawa ni Padre Salvi, nagsimula na ang paghuhugos. Ang lahat ng kailangan ay naigayak na maging ang mga mahalagang kasulatan at medalya, salaping pilak at relikya ay inilagay na sa isang kahang bakal at ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Matapos ang mensahe ng alkalde ay nagbigay na ng hudyat sa paglalagay ng mga biga. Nang makababa na ang lahat, biglang kumawala sa pagkakatali ang lubid at biglang bumagsak ang biga. Ang akala ng lahat ay si Ibarra ang nabagsakan ng biga ngunit la...
Comments
Post a Comment